Monday, March 10, 2008

holen, turumpo at luksong-tinik

mga batang naglalaro ng holen -- uso pa rin naman pero may "battle be-daman" na. nais ko sanang turuan sila kung paano ang mas mahusay na paraan ng pagpapatalsik ng holen. nagpigil na lang ako dahil taimtim ang kanilang paglalaro. at sa pagsundo ng aking anak, napansin ko ang "kakaibang" mga laro ng ibang mga bata -- mga tradisyunal na laro tulad ng luksong-tinik at turumpo -- sa isang pribadong paaralan dito sa lunsod, sa manila waldorf school. (photo taken with epson rd1s, summicron35).

No comments: